Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang serye ng repair sa runway sa NAIA Complex.
Gayunman, nilinaw ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na walang maaapektuhan na flight dahil ginagawa ang repair kada ala y una y medya hanggang alas tres ng madaling araw.
Aminado naman si Monreal na walang garantiya na hindi na mauulit ang biglaang pagsasara ng runway dahil may kalumaan na ito.
Kahapon ilang international at domestic flights ang na-delay at ang ilan ay na-divert sa Clark International Airport dahil sa biglaang pagsasara ng NAIA international runway bunga ng dalawang bitak na mapanganib sa mga lumalapag at nagte-take off na eroplano.
Facebook Comments