Repatriated OFWs na nagnegatibo sa COVID-19 test, halos 30,000 na

Umabot na sa 29,558 na returning Overseas Filipino Workers (OFWs) at non-OFW ang idineklarang nagnegatibo sa COVID-19, base sa kanilang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test result.

Sila ay iisyuhan ng quarantine clearance para sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Mismong ang Philippine Coast Guard (PCG) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nagtutulungan sa pagproseso ng kanilang pag-uwi sa mga probinsya.


Ang mga sumailalim naman sa swab sample collection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay makakatanggap ng e-mail certification mula sa Philippine Red Cross (PRC).

Facebook Comments