Tuloy ang repatriation ng mga OFW sa Iraq sa gitna na rin ng namumuong tensyon ng Estados Unidos at Iran.
Ayon kay Special Envoy for Middle East, Environment Sec. Roy Cimatu – ayaw niyang magpakasiguro kahit naghayag ang dalawang bansa na humuhupa na ang tensyon.
Paalala ni Cimatu sa mga kababayan natin sa Iraq, ang Embahada ng Pilipinas sa Baghdad ang magsisilbing pick-up point, saka dadalhin sa bansang Jordan.
Mula rito, dadalhin sila sa Dubai o Qatar saka ililipad pabalik ng Pilipinas.
Pinakikiusapan din ni Cimatu ang mga OFW na ayaw magpalikas na makipagtulungan na lamang sa gobyerno dahil para rin ito sa kanilang kaligtasan.
Sa ngayon, problema rin ang mga undocumented OFW.
Facebook Comments