Repatriation sa mga Pilipino sa Sri Lanka, ginagawan pa rin ng paraan kahit bumabalik na sa normal ang sitwasyon doon

Tuloy pa rin ang pagpapauwi sa mga Pilipinong manggagawa sa Sri Lanka kahit inaasahang bubuti na ang sitwasyon doon.

Ayon sa Office of Migrant Workers Affairs (OMWA), tuloy ang plano nila na bumili na ng commercial flight tickets para mapadali ang repatriation sa mga Pilipinong naipit sa gulo sa Sri Lanka.

Ito ang inanunsyo ni OMWA USec. Eduardo de Vega, kasabay ng paglulunsad ng One Repatriation Command Center sa Mandaluyong City.


Sinabi ni De Vega na sa ngayon ay normal pa rin kung ituring ng pamahalaan ng Sri Lanka ang sitwasyon sa kanilang bansa maliban sa nararanasang krisis pang-ekonomiya

Tiniyak naman ni De Vega na may sapat na pondo ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbili ng mga commercial flight ticket na siyang gagamitin para sa repatriation.

Umaasa naman si De Vega na maisasaayos na rin ang sitwasyon sa Sri Lanka sa mga susunod na araw dahil sa ikinakasang eleksyon doon.

Facebook Comments