Iba pang residente ng Brgy. 172 sa Tondo, Maynila, mino-monitor matapos ang food poisoning sa lugar

76

May kutob ang Manila Health Department (MHD) na may iba pang biktima ng food poisoning sa Tondo, Maynila na hindi nadala sa ospital.

Ayon kay Dr. Jessie Bermejo, hepe ng Manila City Epidemiology Surveillance Unit, ito ang dahilan kaya’t nakabantay sila sa Brgy. 172 sakaling mayroon pang magpakita ng sintomas ng food poisoning sa kinaing mami.

Sinabi ni Bermejo na kumuha na sila ng human at food sample katuwang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Inaasahang lalabas ang resulta sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Facebook Comments