
Iminungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na maglatag ng reporma para mapagaan ang mabigat na trabaho ng mga guro tuwing halalan.
Hiniling ng senador ang pagsasagawa ng reporma upang mas maging epektibo at makatao ang proseso ng pagboto sa mga susunod na eleksyon lalo na sa mga gurong nagsisilbing poll workers.
Ayon kay Cayetano, kailangan lang naman simplehan ang reporma tulad ng mas maraming paaralan ay mas maraming guro, mas maraming makina mas kakaunti ang oras na igugugol sa pagboto.
Pinababawasan din ng senador ang oras ng pagboto o mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon basta’t mayroon sapat na silid-aralan at mga tauhan.
Aniya, malaking dagok sa kalusugan ng mga guro ang matagal na oras ng botohan lalo’t mula madaling araw pa lang ay nasa paaralan na sila, hanggang matapos ang botohan at magbibilangan pa.









