REPORMA SA BUWIS | Pagdurusa ng milyun-milyong Pinoy dahil sa TRAIN, ibinabala

Manila, Philippines – Ibinabala ni opposition Senator Bam Aquino ang pagdurusa ng mga mahihirap na Pilipino dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo simula sa susunod na taon.

Ayon kay Aquino, ito ang idudulot ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion na pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ipapatupad simula January 1, 2018.

Paliwanag ni Aquino, walang anumang tulong na ipagkakaloob ang pamahalaaan sa mga mahihirap na Pilipino para maibsan ang epekto ng Tax Reform Program.


Tinukoy ni Aquino ang naging pag-amin umano ng Department of Finance na hindi nila kayang ipatupad ang Cash Transfer Program at TRAIN nang sabay.

Facebook Comments