TELECOM | Bagong kakumpitensya, handang harapin

Manila, Philippines – Tiniyak ng Globe Telecom na susunod sila sakaling ipatupad na sa susunod na taon ang kautusan na gawing isang taon ang validity ng prepaid load.

Sa interview ng RMN kay Globe Telecom Spokesman Yoly Crisanto – handa sila na harapin ang panibagong kakumpetensiya sa industriya kabilang na ang pagtugon sa mga kagustuhan ng customers.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Crisanto ang dahilan kung bakit may ipinapatupad na expiration sa load ang mga telecom network sa bansa.


Kamakailan ay pumirma ng kasunduan ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Trade and Industry at Department of Information and Communications Technology para palawigin ang expiration ng load ng hanggang isang taon.

Facebook Comments