Reporma sa military and uniformed personnel pension, magdudulot ng demoralisasyon at pag-aalsa sa mga retirado

Nagbabala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magdudulot ng demoralisasyon at posibleng mauwi sa pag-aalsa ng mga retiradong opisyal ang ipinapanukalang reporma sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system.

Tinawag na “unfair” o hindi patas ni Dela Rosa ang planong reporma sa MUP at ang aksyon na ito ay naghihikayat ng pag-aalsa mula sa beneficiaries na maaapektuhan.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya naghihikayat ng pagkakahati-hati pero aminado naman ang lahat na nararapat ang kasalukuyang natatanggap na pensyon ng mga retirado sa ilalim ng MUP lalo’t buwis buhay ang trabaho ng nasa armed services at naging produktibo naman ang taon ng mga ito sa pakikipaglaban sa mga kalaban ng estado.


Suhestyon ni Dela Rosa, kung may irereporma man sa benepisyo ay gawin sa mga bagong magreretiro at huwag nang isama ang mga dati nang retirado at nasa aktibong serbisyo.

Hindi rin aniya patas na ang retirees ang sinisisi ng gobyerno sa pag-collapse ng pananalapi sa bansa dahil tinaasan ang sahod ng mga uniformed personnel at pensyon ng mga retirado.

Matagal na aniyang problema ang sistema at iginiit pa ni Dela Rosa na kung anuman ang natatanggap ngayon na benepisyo ay deserve ito ng mga unipormadong opisyal dahil walang kapalit ang buhay.

Facebook Comments