Reporma sa “pangkalusugan” ang pangunahing isusulong ng health advocate na Si Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla sakaling palarin na makapasok sa Senado.
Ito ang inihayag ni Dr. Padilla na tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Partido Reporma nina Presidential Candidate Senator Panfilo Lacson at Vice Presidential Aspirant Vicente Sotto III.
Sa panayam ng RMN News Nationwide kay Dr. Padilla, sinabi nito na partikular niyang tututukan ang reporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mahalaga upang tuluyan ng maipatupad ang Universal Healthcare Law.
Ayon kay Dr. Padilla, bilang dating opisyal ng PhilHealth, nakita nito ang ilang kurapsyon at iregularidad at nais niyang ipagpatuloy sa Senado ang mga repormang nasimulan sa state insurer.
Nais din ni Padilla na ilipat ang paghawak sa pananalapi ng PhilHealth sa ilalim ng Department of Finance upang masiguro na maayos na nahahawak ang pera ng mga miyembro nito.