Bilang ng mga kaso ng COVID-19, bumaba na sa mahigit 900

Bumaba na lamang sa mahigit 900 ang bilang ng mga nagpapagaling mula sa COVID-19 sa Lungsod ng Quezon.

Ayon sa datos ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit o CESU, nasa 962 na lamang ang kumpirmadong aktibo sa kaso.

Ang nasabing bilang ay nagmula sa 258,986 ng kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.


Dahil dito ay pumalo na sa 98.99% o 256,361 ang gumaling mula sa COVID-19 sa QC.

Habang nasa 1,663 ang mga nasawi sa lungsod dahil sa naturang virus.

Patuloy namang pinapayuhan ng QC local government ang mga mamamayan nila na mag-ingat at sundin ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments