Manila, Philippines – Nakahanda nang ipasa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report hinggil sa mining companies na pinatawan ng suspension at cancellation orders.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, gagamitin nila ang comprehensive report na ginawa ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) kung saan nakasaad na rito kung magpapatuloy pa bang mag-o-operate ang mining company o hindi.
Sakop ng MICC report ang 19 na nickel mines, dalawang gold mines, isang copper mine, tatlong chromite mines at dalawang magnetite o iron mines.
Sa ilalim ng assessment, isinailalim sa evaluation ang mga minahan sa aspeto ng legal, technical, environmental, social at economic.
Facebook Comments