Report na hinuli umano ng PNP, militar at DSWD ang 21 batang katutubo sa Cebu City, propaganda lang

Propaganda lang ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kumalat na balita sa social media na hinuli umano ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga batang katutubo sa isang operasyon kaninang umaga sa University of San Carlos Retreat House, Talamban Campus, Talamban, Cebu City.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen. Ildebrandi Usana, ang operasyon ay isang “rescue operation” kung saan naligtas ng mga tauhan ng gobyerno ang 21 katutubong menor-de-edad at naaresto ang anim na indibidwal.

Ang mga naligtas na kabataan ay binubuo ng 14 na dalaga at 7 binata na myembro ng Manobo tribe ng Talaingod, Mindanao.


Sila ay kinuha ng NPA front organizations mula sa isang salugpungan School sa Davao Del Norte kung saan dalawang taon na silang sinasanay para maging future child warriors at dinala sa Cebu para itago sa kanilang mga pamilya.

Kasama pa ang mga tribal leaders ng Talaingod at mga magulang ng nawawalang mga bata sa rescue operation, na ipinagpasalamat pa ang pagkakaligtas ng mga kabataan mula sa NPA.

Ang mga na-rescue na kabataan kasama ang mga suspek ay dinala sa Police Regional Office 7 para sa dokumentasyon.

Facebook Comments