Report na isa-isa nang pinapatay ang mga hawak na bihag ng Maute – bineberipika na ng Armed Forces of the Philippines

66

Manila, Philippines – Beneberipika na ng Armed Forces of the Philippines ang report na isa-isa nang pinapatay ng teroristang Maute ang hawak nilang bihag sa Marawi City.

Sa Mindanao hour, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na sakali man totoo ang nasabing report, posibleng lumobo pa ang bilang ng mga sibilyan na nasawi sa bakbakan.

Batay sa datus pamahalaan, pumalo na sa 397 ang nasawi sa Marawi Siege kung saan 27 rito ay mga sibilyan.


299 naman ang nasawi sa panig ng Maute at 71 sa tropa ng pamahalaan.

Nasa 1,701 ang nailigtas sa nagpapatuloy na bakbakan.

Facebook Comments