Umanoy pagtakas ng ASG leader na si Isnilon Hapilon, patuloy na inaalam

Manila, Philippines – Patuloy na inaalam ng Armed Forces of the Philippines ang mga report na nakalabas na ng Marawi City ang ASG leader at emir ng ISIS sa bansa na si Isnilon Hapilon.

Sa Mindanao hour, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla kung totoong nakatakas si Hapilon ay itinuturing niya itong duwag.

Pero, tiniyak ni Padilla na wala nang kapasidad si Hapilon na makapaghasik pa ng karahasan.


Naniniwala si Padilla na mahalaga na mahuli si hapilon, buhay man o patay na mayroong patong sa ulo na 10 milyong piso mula sa gobyerno at 5 milyong dolyar sa Amerika.

Facebook Comments