Report na may dalawang nasawi sa Bagyong Florita sa Naguillian, Isabela, bineberipika na ng NDRRMC

📸: BFP Isabela Provincial Office, DSWD R2

Bineberipika na ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang report na may naitalang nasawi sa Naguillian, Isabela dahil sa Bagyong Florita.

Sa interview ng RMN Manila, Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na sa ngayon ay wala pang naitatalang casualty sa bagyo, pero bineberipika nila ang report na isang bus na may sakay sa naguillian, isabela ang tumaob sa kasagsagan ng bagyo at mayroong dalawang nasawi.

Sa ngayon ay daan-daang pamilya na sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ang inilikas sa kanilang mga tahanan dahil sa Bagyong Florita.


Ayon kay Timbal, sa kabuuan ay umabot sa 4,646 katao ang naapektuhan ng bagyo kung saan 60-barangay ang matinding nakaranas ng pagbaha sa Region 1, 2 at CAR.

Patuloy naman ang damage assessment ng ahensya sa pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Habang naka-antabay na ang food packs ng ahensya sa kada pamilya na aabot sa 480,000 at nakahanda na rin ang pondo nila na aabot sa ₱800 million.

Facebook Comments