Report ng PACC laban sa PhilHealth officials na sangkot sa katiwalian, inendorso sa Office of the Ombudsman

Tuluyan nang inendorso ng Task Force PhilHealth sa Office of the Ombudsman ang report ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Partikular ang hinggil sa sinasabing anomalya sa membership enrollment at benefits claims sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Region 1.

Sa ulat ng PACC, inirekomenda na sampahan sa Ombudsman ng kasong administratibo at kriminal ang 25 kasalukuyan at dating mga opisyal ng PhilHealth na karamihan ay mula sa regional office.


Kabilang sa mga isinampang reklamo ay falsification by public officer sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code, malversation, usurpation of authority, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act o RA 3019, paglabag sa national health insurance act of 1995 at administrative liabilities dahil sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Lumabas din sa imbestigasyon na isang fake account sa PhilHealth Region 1 sa ilalim ng pangalan na Pamela del Rosario at ang mga kontribusyon ay nai-apply at antedated.

27 mga pekeng claims ang naisagawa rin sa pamamagitan ng nasabing account.

Facebook Comments