Report ng Transparency International, pinalagan ng Malacañang

Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa inilabas na resulta ng pag-aaral ng Transparency International kung saan nakalagay na nasa ika 111 ang Pilipinas sa 180 bansa na napagaralan nito patungkol sa corruption perception index noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi naman madaling gawan ng solusyon ang problema ng bansa sa katiwalian at sineseryoso naman ng administrasyon ang posisyon ng bansa sa transparency international.
Pero binigyang diin ni Roque na hindi totoo na limitado lamang ang press freedom sa bansa.
Patunay aniya dito na malaya ang media na nakapagbabalita at kahit fake news ay malayang nailabas ng ilan sa mga ito.
Isa pa aniyang patunay na mahigpit ang administrasyon sa paglaban sa katiwalian ay ang pagsibak ng Pangulo sa maraming opisyal ng pamahalaan kung saan ang iba pa sa mga ito ay miyembro pa mismo ng kanyang gabinete.

Facebook Comments