Report ni Pangulong Duterte kaugnay sa idineklara nitong Martial Law, hawak na ng Senado

Manila, Philippines – 9:55pm kagabi ng matanggap ni Senate President Koko Pimentel ang report na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa idineklara nitong Martial Law at suspension of habeas corpus sa buong Mindanao.

Alas dyes ng gabi noong Martes idineklara ng pangulo ang Martial Law at ayon sa konstitusyon ay dapat magbigay ng report sa kongreso hinggil dito ang pangulo sa loob ng 48 na oras o hanggang alas dyes lamang kagabi.

Tinanggap ni Pimentel ang report sa davao kung saan sya at iba pang opsiyal ng pamahalaan ay nakipagpulong kay Pangulong Duterte.


Ayon kay Pimentel, 7 pahina ang report at katulad sa proclamation number 216 ay agad din niyang bibigya ng kopya ang lahat ng senador.

Nauna ng inihayag ni Pimentel at ng iba pang mga senador na mahalaga ang nasabing report mula sa pangulo dahil dito nakadetalye ang basehan ng pagsasailalim ni Pangulong Duterte ng buong Mindanao sa batas militar.

Yan ay matapos na kubkubin ng Maute Group ang Marawi City.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments