Reporter ng isang istasyon ng TV – nabiktima ng basag kotse gang sa Quezon City

212

Manila, Philippines – Nabiktima ng basag-kotse gang ang reporter ng GMA news na si Steve Dailisan.

Ayon sa Quezon City Police District – naganap ang krimen Sabado ng gabi nang bumista si Dailisan sa inang nasa ospital.


Nakaparada lamang ang itim na Mitsubishi Montero nito sa tapat ng Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital sa Kamuning, Quezon City nang basagin ng dalawang lalaki ang salamin ng kanang bintana ng sasakyan ng biktima.

Aabot sa dalawang daang libong piso ang halaga ng kinuha ng mga suspek, gaya ng laptop at gadgets.

Facebook Comments