Isang daang pulis, nakatakdang ipakalat sa bahagi ng Quiapo

161

Manila, Philippines – Mahigit sa isang daang pulis ang nakatakdang ipakalat sa bahagi ng Quiapo.

Kasunod na rin ito ng pagsisimula ang Ramadan sa Mayo 26.


Ayon kay Manila Police District Director Senior Supt. Joel Coronel – ito ay upang matiyak na rin na walang magiging anumang uri ng pagsabog sa lugar.

Mananatili aniya ang mga pulis na miyembro ng MPD at ang contingent mula sa regional public safety battalion hanggang matapos ang Ramadan.

Facebook Comments