Cotabato, Philippines – Patay ang isang kulumnista ng local News Paper sa Central Mindanao ng ito’y pagbabarilin ng riding in tandem sa bahagi ng Brgy Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat Prov. mag aalas nuwebe kaninang umaga.
Kinilala ni Sultan Kudarat Police Provincial Director SSupt. Raul Supiter ang biktimang si Leodoro Diaz o mas kilala bilang Leo Diaz. Sa pahayag ng kanyang anak sa RMN COTABATO , sakay ng kanyang motorisklo si Diaz mula sa kanyang tahanan sa Brgy . Katiko ng pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek . Nagtamo ng multiple gunshot wound sa kanyang katawan ang biktima resulta ng kanyang agarang kamatayan. Si Diaz ay isang kulumnista ng Sapol News Paper at one town, one reporter ng DXMY na nakabase sa Tacurong City at mga kalapit bayan.
Bago ang insidente ng pamamaril, nakapagbigay pa ng kanyang Headline si Diaz sa DXMY para sa sa Programang Sentro Serbisyo , ngunit ng tawagan na, ang anak na nito na umiiyak ang nakasagot at ikinuwento ang sinapit ng kanyang ama. Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino at ano ang maaring dahilan ng pagpatay sa biktima.
Si Leo Diaz ay halos 3 dekada na ring mamahayag na nakabase sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Nagluluksa naman ngayon ang mga kasamahan sa trabaho ni Diaz kasabay ng panawagan ng agarang hustisya.
Reporter patay sa pamamaril sa Pres. Quirino Sultan Kudarat province
Facebook Comments