Reproduction number ng COVID-19, bumaba na sa 1.01%

Bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, bumaba ng 1.01 percent ang reproduction rate sa NCR mula sa 1.16 percent noong nakaraang linggo.

Maliban dito, bumaba rin ng pitong porsyento ang average cases sa Metro Manila sa nakalipas na mga araw.


Sa kabila nito, mataas pa rin ang bilang ng mga nasasawing nakakatanda sa COVID-19.

Inaasahan din ng OCTA na matatagalan pa bago maging maluwag ang occupancy ng mga ospital.

Facebook Comments