Nagpapakita na ng pagbaba sa bilang ng mga hawahan ng virus sa Quezon City sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, ang reproduction number ng Quezon City ay 1.20 kung saan bahagya pang bumaba mula sa nakaraang linggo.
Ipinapakita nito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus noong bago ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso.
Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.
Bumaba naman ang positivity rate ng lungsod sa 19% subalit mas mataas pa rin ito sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5%.
Facebook Comments