Reproduction number o antas ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumagal na

Bumagal ang antas ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa ulat ng OCTA Research Group, mula sa 1.78 noong August 18, bumaba sa 1.53 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa NCR pero nananatili itong nasa “critical range”.

Naitala ito mula August 18 hanggang 24 o ang dulong bahagi ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.


Nakapagtala naman ng average na 4,019 daily new cases sa NCR mula August 18 hanggang 24, na 13% na mas mataas kumpara noong nakaraang linggo.

Habang nasa 23% ang positivity rate sa rehiyon.

Facebook Comments