Muling bumagal ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research team fellow Dr. Guido David, bumaba sa 1.28 ang reproduction number sa NCR mula sa 1.39 na naitala noong nakaraang linggo.
Gayunman, mas mataas ang naitalang average new cases ng COVID-19 sa NCR noong September 9 hanggang 15 na nasa 5,819 kumpara sa 5,340 noong September 2 hanggang 8.
Dahil dito, nadagdagan din ang bilang ng mga okupadong kama sa mga ospital na nasa 6,247 na habang okupado na rin ang 1,137 Intensive Care Unit (ICU) beds sa buong Metro Manila.
Nananatili naman sa 25% ang positivity rate habang tumaas sa 41.66 ang daily attack rate.
Facebook Comments