Reproduction number sa NCR, tumaas – OCTA

21

Tumaas ang reproduction number ng Metro Manila sa 1.08.

Batay sa OCTA Research Group, napanatili ang transmission sa bansa sa gitna ng paghahanda sa posibleng pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.


Sa tala ng grupo, nasa 744 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila mula Hulyo 14 hanggang 20 na mataas kumpara sa 629 na naitala noong Hulyo 7 hanggang 13.

Naitala rin sa NCR ang average daily attack rate na 5.39 cases sa kada 100,000 populasyon.

Habang ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate ay nasa 42% at ang positivity rate ay 6%.

Facebook Comments