Reproduction rate ng COVID-19 sa NCR, tumaas ayon sa OCTA Research Group

Tumaas pa ang reproduction rate sa National Capital Region (NCR) sa 0.68 mula sa 0.57 nitong nakalipas na mga linggo.

Batay sa datos ng OCTA Research Group, naitala ito mula May 26 hanggang June 1, 2021.

Nakapaloob din sa datos na tumaas ng 8% ang naitalang seven-day average new COVID-19 cases sa Metro Manila.


Maituturing naman itong magandang balita dahil ito ang unang beses na tumaas ang growth rate ng kaso sa Metro Manila, simula nang maitala ang peak ng pagtaas ng virus.

Sa ngayon maliban sa reproduction rate, umakyat din sa 41% ang healthcare utilization rate sa bansa habang nasa 53% ang occupancy rate.

Ang mga lalawigang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ay ang; Antipolo City sa Rizal at Santa Rosa sa Laguna.

Nananatili namang “areas of concern” ang Davao City, Cagayan de Oro, Iloilo City, Tuguegarao, General Santos, Butuan, Batangas City at Tarlac City.

Facebook Comments