Reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, lalo pang bumaba

Bumaba pa ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, umaabot na lamang ito sa sa 0.58 na naitala mula October 10 hanggang 16.

Nasa 1,681 naman ang seven-day average case kung saan 10% ang positivity rate.


Umaabot na rin sa 11.87 average Daily Attack Rate (ADAR).

Sa ngayon, nangunguna pa rin ang Zamboanga City sa may pinakamataas na panibagong kaso ng COVID-19 mula October 10 hanggang 16 nasa 221.

Sa kabila naman ng pagbaba ng kaso ay nananatili pa rin mataas ang bed occupancy sa mga ospital sa bansa.

Facebook Comments