Manila, Philippines – Pormal ng hiniling ng liderato ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ang hiling ay pinaabot nina Senate President Tito Sotto III at Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng isang liham na idinaan kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nakasaad sa liham na kailangang sertipikahang urgent ng Pangulo ang panukala para diretso nila itong maipasa sa 3rd and final reading bago sine die adjournment ngayong June 2.
Sa Senado, ang proposed BBL ay nasa period of interpellations o pinagdedebatehan na sa plenaryo.
Facebook Comments