Manila, Philippines – Ipinanukala ng Commission on Higher Education (CHED) na isama sa requirements sa mga kolehiyo at unibersidad ang drug test sa mga estudyante.
Ito’y matapos na lumabas sa pag-aaral ng ahensya na 4,000 kabataan ang sumuko sa oplan tokhang.
Sa ngayon, inaayos na ng CHED ang memorandum order para sa mandatory drug testing sa mga estudyante sa tulong ng Department of Justice (DOJ).
Binabalangkas na rin ng CHED ang mga kondisyon kung sakaling magpositibo sa ilegal na droga ang isang estudyante.
Plano ng CHED na ipatupad ang drug testing sa mga college students sa susunod na taon.
Facebook Comments