Hinimok ni Senator Nancy Binay sa gobyerno na tanggalin na ang pagpapatupad ng One Health Pass bilang requirement sa mga biyahero.
Ayon kay Binay, hindi na nagiging praktikal ang One Health Pass at mas nagiging hassle pa ito sa nakararami lalo na sa mga OFW at balikbayan bunsod ng dagdag na screening procedures.
Dagdag pa ng senadora, posibleng bugawin ng sistema ang mga potensyal na turista na dadayo sa ating bansa.
Kaya hinimok nito ang Department of Tourism (DOT) at iba pang ahensya na silipin na gawing simple na lamang ang proseso para sa mga bibisita ng bansa.
Facebook Comments