RMN Kalibo, number one sa latest official KBP-Kantar Radio Listenership Survey sa Kalibo, Aklan

Patuloy ang pamamayagpag ng iba’t ibang RMN stations nationwide dahil sa walang sawang pagtangkilik ng mga listener.

 

Kaya naman, sa latest official KBP-Kantar Radio Listenership Survey 2022 sa Kalibo, Aklan ay nananatiling number one AM radio station ang RMN-DYKR 1161.

 

Ang RMN Kalibo ang overall dominant market leader na may 1.32 rating at 88.4 percent market share, kumpara sa ibang radio stations.


 

Dati nang kilala ang DYKR RMN Kalibo dahil sa pagseserbisyo publiko, walang takot at responsableng komentaryo, mabilis at tamang pagbabalita at mayroon pang mga drama na talaga namang tinatangkilik ng mga Aklanon nationwide at worldwide.

 

Nagpaabot naman ng pagbati si RMN EVP at COO Mr. Rico Canoy sa ating mga radyoman ng RMN KALIBO na pinamumunuan ni Radyomanager DT Joy Gener.

 

Pinasalamatan din nito ang reporters, writers, anchors, admin, technicians at volunteers dahil sa tagumpay ng himpilan.

 

Ayon kay Radyomanager DT Joy Gener, iniaalay nila ang pagiging number one ng istasyon sa listeners ng RMN Kalibo.

 

 

Layunin ng Radio Mindanao Network na maabot kayo saan man sa mundo, reaching millions nationwide, and worldwide for 70 years!

Facebook Comments