Muling binago ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang requirement para sa pagbibigay ng shuttle service ng mga pribadong establisyimento.
Sakop nito ang mga private firms na may total assets na nasa higit ₱100 million na matatagpuan sa loob ng special economic zones at iba pang lugar na nasa hurisdiksyon ng Investment Promotion Agencies.
Sa ilalim ng Joint Advisory No. 20-03 na may petsang November 29, sinabi ng DOLE at DTI na ang mga private establishments ay hinihikayat na magkaroon ng sarili nilang shuttle services para sa kanilang mga empleyado.
Ang shuttle services ay kailangang naaayon sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards.
Maaaring itaas ang operational capacity ng mga shuttle services.
Ibig sabihin, ang “one seat apart” arrangement o full seating capacity ay maaaring gawin kung mayroong dividers sa pagitan ng mga pasahero.
Pinalilimitahan na rin ang impormasyong hihingin sa mga kliyente o bisita para sa contact tracing activities alinsunod sa Data Privacy Act.