
Pinapaalalahanan ang mga benepisyaryo ng scholarship program ng lungsod na tiyaking kumpleto at naipapasa sa tamang oras ang kanilang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang aberya sa pagproseso ng kanilang scholarship grant.
Sa isinagawang pagpupulong sa tanggapan ng alkalde, kinumusta ang ilang piling estudyante at kanilang mga magulang mula sa iba’t ibang barangay upang ipaalala ang kahalagahan ng maayos na paghahanda ng mga requirements. Binigyang-diin na ang on-time na pagsusumite ng kumpletong dokumento ay mahalaga upang maging maayos at mabilis ang pagproseso ng scholarship assistance.
Ipinaalala rin sa mga mag-aaral na panatilihin ang maayos na academic standing at iwasan ang pagkakaroon ng failing grades, dahil isa ito sa mga pangunahing kondisyon upang patuloy na makatanggap ng benepisyo mula sa scholarship program.
Hinimok ang lahat ng scholar na agad ihanda at ayusin ang kanilang mga dokumento upang maging handa sa nakatakdang paglabas ng scholarship grants sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










