Cauayan City, Isabela- Tuloy-Tuloy pa rin ang pag-arangkada ng ‘Resbakuna on Wheels’ ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa iba’t-ibang bayan at syudad sa probinsya.
Ngayong araw ng Biyernes, November 12, 2021, nagtungo ang resbakuna bus sa mga bayan ng Echague, Roxas, Cabagan at Santo Tomas para magbakuna sa mga hindi pa nababakunahang nasa Category A1, A2, A3, A4, A5, at Rest of Adult Population (ROAP).
Aabot na sa kabuuang 1,000 slots ng first dose ng Gamaleya Sputnik V ang nailaan ng provincial Government ng Isabela sa Resbakuna on Wheels at magbibigay din ng alokasyon para sa second dose ng mga bakunang Pfizer at Sinovac.
Patuloy naman ang panawagan nina Isabela Governor Rodito Albano III, Vice Gov. Faustino Dy III, Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan, at COVID-19 Vaccination Program Operation Center Chairperson Dr. Arlene Lazaro sa mga hindi pa natuturukang Isabelino na magpabakuna na upang makamit ang herd immunity sa probinsya.
Samantala, nakatakda naman bukas, Nobyembre 13, 2021 ang gagawing pagbabakuna ng “Resbakuna on Wheels” sa SM Cauayan City na magsisimula sa oras ng alas 8:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.