Muling ipinagpaliban ng Kamara ang budget deliberation ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ito ay matapos muling mabigong dumalo sa pagdinig si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
Si Uson ay kasama sa delegasyon ng Pilipinas na dumalo sa United Nations general assembly sa New York, U.S.A.
Ni-reschedule na lamang ang deliberasyong hanggang sa makadalo si Uson.
Sa pamamagitan ni Parañaque City Representative Eric Olivarez, na siyang tumatayong sponsor ng ahensya, ipinaliwanag ni PCOO Secretary Martin Andanar ang aktwal na sitwasyon.
Sa kabila nito, inanunsyo ni Batangas 2nd district Representative Raneo Abu na tinapos na sa plenaryo ang budget ng mga ahensyang nasa ilalim ng PCOO.
Ang budget ng PCOO para sa 2019 kasama na ang mga attached agencies nito ay nasa ₱1.474 billion.