TAYA NA! | Halos P850-M jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, hindi pa rin naiuuwi!

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na wala pa ring grand winner sa Ultra Lotto 6/58.

Sa ginanap na draw nitong Martes, October 3, 2018 hindi pa rin natutumpak ang anim na winning combination na: 30-41-53-04-02-54.

Ang jackpot prize ay pumalo na sa ₱849,578,320.


Ang susunod na draw ay gaganapin sa Biyernes, October 5.

Facebook Comments