Inihahanda na ng Office of the Vice President (OVP) ang rescue at relief operations sa mga komunidad na inilubog sa tubig baha ni Bagyong Ulysses.
Nagtawag mismo si Vice President Leni Robredo sa mga government agencies at NGOs upang pakilusin sa rescue efforts sa mga nagpapasaklolong pamilya na naipit sa kanilang mga bahay dahil sa biglaang pagtaas ng tubig sa ilang lugar.
Pinakilos agad ang mga assets tulad ng mga rescue boat at trucks sa Marikina City at ilang bahagi ng Rizal.
Nakikipag-ugnayan na rin si Robredo sa ilang partner groups at donors upang makapaghatid ng resources at suporta sa mga apektadong LGUs.
Facebook Comments