Patuloy Na Isinasagawa Ng Mga Tauhan Ng Philippine Airforce Ang Rescue And Relief Operations Sa Cagayan Valley.
Ito Ay Matapos Maapektuhan Ang Libo Libong Pamilya Na Tinamaan Ng Matinding Pagbaha Sa Lugar Dulot Ng Bagyong Ulysses.
Ayon Kay Philippine Airforce Spokesperson Lt. Col. Aristides Galang, Dalawang Uh-1h Helicopters Na Minamando Ng Tactical Operations Group 2 Ang Nagpapatuloy Ngayon Sa Rescue And Relief Operations Sa Nasabing Lugar.
Dagdag Pa Ni Lt. Col. Galang Na Hanggang Kahapon Ay Nasa Kabuuang 3,500 Pounds Na Mga Cargoes Ang Naitransport Na Sa Cagayan Provincial Capitol Para Ipamahagi Sa Mga Pamilyang Apektado Sa Mga Munisipyo Ng Alcala, Amulung, Lal-Lo, Solana, At Enrile Sa Cagayan.
Facebook Comments