MANILA – Nagpapatuloy ang rescue operation ng mga otoridad sa ilang posibleng naipit sa gumuhong bahay sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City.Sa interview ng RMN kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, sinabi nitong nakataas na sa blue alert status ang CARAGA regional council.Sa inisyal na report, tatlo ang naitalang namatay pero patuloy pa rin itong beniberipika ng deparment of interior and local government.Habang higit isang daan ang nasugatan na karamihan ay itinakbo sa CARAGA regional hospital.Patuloy din anya pamimigay ng relief packs at ready to eat foods ng Department of Social and Welfare Development sa mga residente nasa evacuation center.Samantala, isang tulay naman sa munisipyo ng san Francisco sa Surigao Del Norte ang napinsala ng lindol.Ilang mga bahay din ang naitalang nasira gayunsin ang ilang school building ang gumuho.Sa ngayon, nagpapatuloy ang emergency meeting ng ndrrmc para alamin ang lawak ng pinsala ng lindol na tumama pasado alas dyes, kagabi sa Surigao City.
Rescue Operation Ng Mga Otoridad Sa Pagtama Ng Magnitude 6.7 Na Lindol Sa Surigao City, Nagpapatuloy
Facebook Comments