Nagpapatuloy ang rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) District-Northern Mindanao sa mga residenteng nakatira malapit sa Osmeña Creek, Cagayan de Oro City.
Kasunod ito ng mabilis na pagtaas ng tubig dulot ng Bagyong Odette.
Prayoridad sa paglilikas ang mga kabataan, may kapansanan at senior citizens.
Inilikas din ng PCG District-Northeastern Mindanao ang mga residente ng Poblacion 1 at Poblacion 2 sa Tubay, Agusan del Norte bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Odette.
Facebook Comments