Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa mahigit 200 pa rin

35

Tumaas ng bahagya ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa Department of Health, naitala ngayon ang 289 na COVID-19 new cases na mas mataas sa 237 na kaso kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 2,837,016 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan 10,095 ang aktibong kaso.


Umabot naman sa 47 ang mga nasawi sa virus kaya umakyat na sa 50,496 ang total death cases.

Nasa 380 ang panibagong gumaling sa sakit dahilan para umabot na sa 2,776, 425 na ang recoveries.

Mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Facebook Comments