Rescue operations, isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Navy sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Maring sa Northern Luzon

Ikinasa ng Naval Forces Northern Luzon ng Philippine Navy ang rescue operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Maring.

Sa Barangay Aridowen, Sta. Teresita, Cagayan, 35 pamilya ang tinulungan nilang ilikas sa evacuation area.

Sa Baguio City, nagsasagawa sila ng search and retrieval sa mga biktima ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Barangay Roxas.


Habang nagsagawa rin sila ng rescue operations sa Barangay Sucoc Sur sa Luna, La Union na labis na binaha.

Bukod sa pagsagip, nagpadala na rin ng grupo ang navy para sa road clearing operations sa Barangay Pallogan, Tagudin, Ilocos Sur.

Nagpadala rin ang Philippine Navy ng hiwalay na grupo para sa pamamahagi ng relief goods sa Barangay Pudoc.

Sa kasalukuyan, abala ang Northern Luzon Command sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo katuwang ang mga tauhan ng local Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) at Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments