*Cauayan City, Isabela*- Agad na ipinag-utos ni Mayor Cesar Mondala ang pagsasailalim sa home quarantine ang mga miyembro ng Rescue at Rural Health Unit Team na sinasabing nakasalamuha ni PH4200 na nagpositibo sa nakamamatay na sakit.
Ayon sa alkalde, ito ay upang matiyak na maiiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit sa kanilang bayan.
Sinabi pa ng opisyal na nakasalamuha ng nagpositibong health worker ang mga nasabing grupo matapos magpamahagi ng mga alcohol at facemask ito.
Kaugnay nito, ipinag-utos din niya na isara pansamantala ang lahat ng grocery store na posibleng dumugin ng mga tao dahil sa mga kakailanganing pagkain bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Kinumpirma din ng alkalde na nagtrabo ang nasabing pasyente sa Capitol Medical Center bilang isang doctor hanggang sa natapos ang kanyang kontrata at nagdesisyong umuwi sa probinsya para tumulong sa sitwasyon ng covid-19.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha nito at matiyak na hindi na kakalat pa ang nasabing sakit.