RESCUE VEHICLE, PINAUBAYA SA MANAOAG

Ipinagkaloob ang isang bagong sasakyan sa lokal na pamahalaan ng Manaoag bilang rescue vehicle sa Barangay Pantal.

Pangalawa na itong rescue vehicle na ibinigay sa munisipalidad.

Ayon sa tala, mahigit P600,000 ang ginugol galing sa 20% Development Fund ng barangay.

Kaakibat ang programang ito ng ahensya sa pagpapabuti ng agarang pagresponde sa barangay.

Samantala, saksi ang liga ng mga barangay sa iginawad na turn-over matapos ang flag-raising ceremony.

Facebook Comments