Manila, Philippines – Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Commissioning Ceremony ng dalawang bagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang dalawang barko na pawang Multi-Role Response Vessel 4408 at 4409 ay kikilalanin bilang BRP Cape San Agustin at BRP Cabra.
Ayon kay PCG Spokesman Capatin Armand Balilo, gagamitin ang mga bagong barko bilang mga pangunahing Rescue Vessel sa oras ng mga kalamidad partikular na kung hindi na kakayanin ng iba pang Floating Vessels ng PCG ang mga misyon na kailangan gawin.
Ang pagbili ng dalawang barko ay naka pailalim sa Maritime Safety Capability Improvement Project ng DOTr na inimplementa sa pakikipag tulungan sa Japan International Corporation Agency (JICA) bilang isang Official Development Assistance.
Ibig sabihin ang 7.3 billion na pesos na halaga ng ika-pito at ika-walong barko ng Pilipinas na ni loan sa Japan para sa development ng bansa.
Kabilang sa mga kakayahan ng dalawang bagong barko ay ang bullet proof navigational bridge, fire monitors, night vision camera, radio direction finder at mga workboat.