Bahagyang bumaba ang reserbang dolyar ng Pilipinas o gross international reserves (GIR) level noong buwan ng Setyembre.
Batay sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa 95.0 billion US dollar ang reserbang dolyar ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng September nitong taon.
Mas mababa kumpara sa 97.4 billion US dollars na naitala nitong buwan ng Agosto.
Ang gross international reserves ay kumakatawan sa sapat na external liquidity buffer na katumbas sa 7.6 months na halaga ng imports of goods at payments sa mga serbisyo at pangunahing kita.
Paliwanag ng BSP, ang month-on-month decrease sa dollar reserves ay bunsod na rin ng pagbabayad ng national government sa foreign currency at paghina ng halaga ng ginto sa international market.