Thursday, March 5, 2026

RESERVATION NG PARTY GRILLS PARA SA BANGUSAN STREET PARTY SA DAGUPAN CITY, BINUKSAN NA

Magbubukas na ang reservations para sa “Bangusan Street Party Grills” kaugnay ng pagdiriwang ng Bangus Festival 2026 na gaganapin sa Abril 30, 2026 sa New De Venecia Extension sa Dagupan.

Sa halagang ₱4,500, makakakuha ang mga lalahok ng isang 1-meter grill, limang kilo ng sariwang bangus, inumin, uling, sipit (tongs), at iba pang freebies para sa street party. Tampok din sa aktibidad ang live performances mula sa mga kilalang Filipino artists na inaasahang magbibigay saya at entertainment sa mga dadalo habang nag-iihaw at nakikiisa sa selebrasyon.

Ayon sa mga tagapag-organisa, maaaring magpa-reserve sa pamamagitan ng mga itinalagang contact numbers upang masiguro ang slot. Paalala rin sa mga grill owner na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng bangus o anumang produkto sa loob ng lugar ng street party bilang pagsunod sa itinakdang patakaran ng kapistahan.

Facebook Comments