Wala pang inilalabas na tauhan ang Philippine National Police (PNP) mula sa National Headquarters sa Camp Crame para ipadala sa mga lugar na nasalanta dahil sa pagaalburuto ng Taal Volcano.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac kaya pa ng mga tauhan ng PNP CALABARZON ang pagbibigay ng seguridad at pagtulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan sa Batangas at Cavite.
Pero sinabi ni Banac nakahanda pa rin ang 2000 miyembro ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) sa Camp Crame para i-deploy anumang oras.
Samantala kahapon ay tumungo si PNP OIC Lt General Archie Gamboa sa Batangas kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at nagsagawa ng inspeksyon sa Batangas na lubhang apektado ng ashfall.
Facebook Comments